Nagsanib-puwersa ang Globe at Quezon City government sa pagbibigay ng internet at digital solutions bilang suporta para suportahan ang mga online na pangangailangan ng mga residente lalo na ang mga mag-aaral.
Bahagi nang ugnayan ng Globe at QC government ang pagpapalawak ng Globe Go-Wifi at Konektayo WiFi gayundin ang paggamit ng SMS API ng Globe labs, school bus Wifi at load up para mapag-igting ang suporta sa mga mag-aaral at guro habang online pa ang mga klase.
Nabatid na dagdag na isanlibong access points ng Go Wifi ang ilalagay sa mga pangunahing establishments sa quezon city upang magamit sa mga piling ospital, barangay hall, supermarket, mall, istasyon ng pulisya at bombero at coffee shops para sa mas malawak na pag-access sa e-services hub ng QC.
Magiging kaagapay rin ng QC government ang SMS API ng Globe labs sa pagpapadala ng news alert sa mga gumagamit ng e-services hub samantalang ang Konektayo Wifi ay makapagbibigay ng mabilis at ligtas na Wifi sa mga komunidad gaya ng Bistekville 4, Bistekville 15, Sitio Pingkian, Republic Residences, at bagong lipunan pag-asa condominium.
Sa pamamagitan ng mga nasabing serbisyo, makatutulong ang Globe na pabilisin ang paggamit ng teknolohiyang digital sa bansa. Kinikilala ng Globe ang halaga ng pananatiling konektado ng mga Pilipino lalo na ngayon ang mga serbisyo at oportunidad ay nalipat na sa online.
Natutuwa naman si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa tulong ng globe na kailangang-kailangan nila para matiyak na maayos ang magiging takbo ng online classes ng mga estudyante mula sa lungsod.