Pansamantalang sususpindihin ng Globe at Smart ang kanilang mobile services sa mga lugar na daraanan ng traslacion ng Itim na Nazareno, simula 5:00 ng madaling araw ngayong Martes, Enero 9.
Alinsunod ito sa kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) at hiling ng Philippine National Police (PNP).
Sa advisory ng Smart, suspendido ang kanilang mobile services sa Quiapo area maging sa mga lugar na dadaanan ng prusisyon sa Maynila.
Smart Advisory on The Black Nazarene Procession (09 January 2018) pic.twitter.com/axenQhnZkC
— SMART (@LiveSmart) January 8, 2018
Mawawalan din ang signal ng Globe sa mga lungsod ng Maynila, Quezon, Mandaluyong at Makati.
Maaari namang maapektuhan ang mga kustomer sa ibang bahagi ng Metro Manila at Cavite bunsod ng overlapping mobile signal mula sa cell sites sa mga karatig lugar.
READ: Advisory from Globe Telecom on the temporary loss of mobile signal as part of the security measures for the Feast of the Black Nazarene pic.twitter.com/LxkvXtWnWZ
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 8, 2018
Magsisimula ang traslacion o taunang prusisyon sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, 6:00 ng umaga ngayong Martes, Enero 9, habang ibabalik ang mobile service sa sandaling makabalik na sa simbahan ng Quiapo ang poong Itim na Nazareno.