Suportado ng Globe ang tatlong araw na National Vaccination Drive simula sa Lunes, November 29 sa pamamagitan ito nang pagpapalaganap ng kamalayan sa mga benepisyo ng pagpapa bakuna at pagpigil sa pagkalat ng fake news.
Tiwala ang Globe na maaabot ang target na siyam na milyong pilipinong mababakunahan pa sa tatlong araw na bakunahan para mailapit sa 50% mula sa tinatarget na 70% ng kabuuang populasyon.
Binigyang diin ni Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer and SVP for Corporate Communications na nais nilang ipaabot sa publiko na ang pagbabakuna ay science based at may basbas ng medical experts sa buong mundo samantalang pinaniniwalaang susi ito sa mas ligtas na pasko at sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya.
Una nang inilunsad ng Globe ang panatang pangkaligtasan video noong nakaraang November 24, na sinundan ng #bakunanow tiktok hashtag challenge mula November 27 hanggang 29 kung saan maaaring lumahok ang mga netizen sa hashtag challenge sa pagbisita sa https://vt.tiktok.com/zseshhxgr/.
Ang panatang pangkaligtasan ay isang modern day oath, na nagtatampok sa Bayanihan spirit at bilang isang masigasig na tagapagtaguyod laban sa fake news, ginagamit ng Globe ang panatang pangkaligtasan video nito upang mahikayat ang bawat isa na magpabakuna at beripikahin ang mga balitang may kaugnayan sa bakuna upang mapawi ang kanilang pangamba.
Sumusuporta rin ang public figures at social media personalities sa kampanya na kinabibilangan nina actress-comedienne Kiray Celis at Cai Cortez, MYX VJ at star magic host Ai Dela Cruz, at viral tiktok star Dr. Kilimanguru. Sasamahan sila nina professional volleyball player Aby Maraño, actor Fifth Solomon, social media Star Adrian Insigne, blogger Mommy Badet Siazon, at actor-recording artist Reb Atadero.
Una nang nakibahagi ang Globe sa ingat angat bakuna lahat coalition ng pribadong sektor kung saan naglabas ito ng dalawang myth busters videos na direktang tumutugon sa ilang maling paniniwala sa COVID vaccination kaya’t isinusulong ng globe ang responsableng digital citizenship sa pamamagitan ng pag-unawa at masusing pagproseso ng content na nakikita online.