Pinalakas pa ng Globe ang efforts nito para mas marami pang subscribers nito ang makaabot sa sim registration bago ang deadline sa July 25.
Kasunod na rin ito nang pagkakasa ng Globe ng 50 registration help desks sa buong bansa para sa kanilang Globe at home prepaid WiFi, Globe prepaid at TM customers.
Ayon sa Globe, itinalaga nila ang assistance desks sa mga lugar kung saan kakaunti pa lamang ang nakakapagparehistrong Globe at Home Prepaid WIFI sim users gayundin sa itinuturing na accessible places tulad ng barangay halls, gas stations, shopping centers, gyms at basketball courts na malapit sa target communities.
Sa mga senior citizens, PWD’s, buntis at iba pang globe customers maaaring magtungo sa kanilang assistance desks sa mga lugar na ito.
Quezon City (8 a.m.- 5 p.m.)
- Tandang Sora near Pasong Tamo Elementary School – July 20
- Bahay Toro Shorthorn St. – July 24
- Pinyahan Barangay Hall – July 24
City of Makati (8 a.m.- 5 p.m.)
- Poblacion Barangay Cembo – July 22
Taguig City (8 a.m.- 5 p.m)
- Fort Bonifacio Barangay Hall – July 19
- Western Bicutan Barangay Hall – July 20
- Ususan Barangay Hall – July 21
Pasay City – (8 a.m.- 5 p.m.)
- Barangay 76 Taft Avenue corner S. Arnaiz Avenue – July 20
- Barangay 183 12Th Street Villamor – July 21
Manila City (9 a.m.- 5 p.m)
- Barangay 470 Liana’s Earnshaw Sampaloc – July 19
- Barangay 725 The University Place Residences – July 20
- Barangay 396 Barangay Hall – July 21
- Barangay 666 Manila City Hall, Ermita – July 24
City of Dasmariñas (8 a.m.- 5 p.m.)
- Sampaloc 1 Barangay Hall – July 20
- Salitran 2 Barangay Hall – July 20
- Salawag San Marino City Clubhouse (Burma Street) – July 21
- Fatima 1 Barangay Hall – July 22
- Paliparan 3 Tricycle Terminal – July 22
Bacoor City (8 a.m.- 5 p.m.)
- Molino Iv Barangay Hall – July 19
- San Nicolas Iii Barangay Hall – July 20
- Habay 1 Bayanan Barangay Hall – July 24
- Molino III Barangay Hall – July 25
Lipa City (8 a.m.- 5 p.m.)
- Poblacion Barangay i Barangay Hall – July 17
- Balintawak Barangay Hall- July 18
City of Antipolo (9 a.m.- 5 p.m.)
- San Roque (Pob.) Barangay Hall – July 19
Cebu City (9 a.m.- 5 p.m.)
- Lahug (Poblacion)Barangay Hall – July 20
- Guadalupe Barangay Hall – July 21 Cebu City
- Talamban Barangay Gym – July 22
- Mabolo Barangay Hall – July 24
- San Roque Dict Region 7 – July 25
Iloilo City (8 a.m.- 5 p.m.)
- San Isidro Riverside Refreshment – July 19
Tacloban City (8 a.m.- 5 p.m.)
- Barangay 109-a Basketball Court – July 20
- Barangay 91 Basketball Court – July 21
Bacolod City (8 a.m.- 5 p.m.)
- Taculing Shell Gasoline Station -July 19
- Barangay Estefania Hall – July 20
- Mansilingan Phoenix Gasoline Station – July 24
- Sum-Ag Kj Fairmart – July 25
Davao City (8 a.m.- 5 p.m.)
- Buhangin (Poblacion) Purok San Antonio Gym – July 21
- Bucana, Barangay. Gym – July 20
Cotabato (8 a.m.- 5 p.m.)
- Rosary Heights x Wow Burger, In Front Of Ndu – July 19
- Tamontaka Crossing Bobong – July 20
- Rosary Heights II Fiesta Mall – July 21
Muling ipinaalala ng Globe sa mga customers nito ang kahalagahan ng pagpaparehistro ng kanilang sim bilang proteksyon na rin sa fraud at iba pang uri ng cybercrime.
Binigyang diin ni Cleo Santos, Globe Channel Management Head na patuloy nilang hinihimok ang kanilang subscribers na magparehistro na ng sim lalo nat nagkalat na aniya ang assitance desks na itinatag ng Globe para tumulong sa Globe subscribers upang hindi ma-disconnect ang mobile services na makakaapekto tiyak sa araw-araw nating aktibidad.
Otomatiko nang nakalagay sa sim registration database ang mga detalye ng Globe Postpaid, Globe Business Postpaid at Globe Platinum subscribers.
Ang mga sim na hindi mairerehisto matapos ang July 30 ay permanente nang made-deactivate kaya’t hindi na magagamit ang mobile services tulad ng call, text at mobile data browsing bukod sa wala na ring matatanggap na advisory kaugnay sa ibat ibang transaction.
Ang sim registration process ay isa sa mga requirement sa ilalim ng republic act 11934 o Sim Registration Act na layong protektahan ang mga consumer mula sa fraud at online illegal activities.