Isang bonggang G Day celebration ang ikinakasa ng Globe bilang bahagi ng customer appreciation nito.
Kasunod na rin ito nang pasasalamat ng mobile leader at top digital solutions provider sa Pilipinas sa mga customer nito sa kanilang loyalty sa pamamagitan nang pagsasama ng life enabling tools at rewards sa misyong mapaganda pa ang buhay ng mga Pilipino.
Tiniyak ng Globe sa month long celebration nito ng September 17 o 09/17 o 0917 na kumakatawan sa iconic mobile number prefix na ilapit ang mga Pilipino sa kanilang mga pangarap kasama ang digital innovations at next gen tech experiences.
Ayon kay Jerome Patalud, Pinuno ng Globe Rewards tiwala silang sa pamamagitan ng G day ay makakatulong silang maging abot kamay ng kanilang customers ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng innovative, life enabling digital solutions at pinalakas pang reliable connectivity bilang pagpapaktia na rin ang pagpapahalaga ng globe sa mga ito.
Committed din ang Globe na gamiting ang G day platform na patuloy na isulong ang environmental sustainability kayat hinihimok ang kanilang customers na gawin ang eco-friendy at socially conscious practices sa pamamagitan ng maliit na paraan tulad ng tamang pagtatapon ng basura, hindi paggamit ng single use plastics at sustainable transport sa pamamagitan ng paggamit ng electric vehicle shuttles ng Globe papunta at mula sa mga events via carpooling.
Kabilang sa mga G day activities ang G-chance the raffle mula September 1-30, g music fest sa September 16, g creator con sa September 17, G fair sa September 23-24 at G battle zone: G legends cup and Rev major sa September 23-30 .
Para sa dagdag na impormasyon sa G day events, i-download at i-explore ang Globeone app o bisitahin ang globe.co/gdayeveryday.