Sumaklolo na ang Globe sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong Egay sa Northern Luzon.
Kaagad nag-deploy ang Globe ng connectivity support kabilang ang call, charging at WiFi booths at maging libreng mobile services bilang bahagi ng communication at relief operations nito.
Sinimulan na kahapon, July 27 ng Globe ang pagtatayo ng libreng tawag, libreng charging at libreng wifi stations sa Apayan, Cagayan at Ilocos region.
Sa Apayao, available ang libreng tawag, charing at WiFi stations ng Globe sa bayan ng Luna partikular sa Martin’s Grocery sa Barangay San Isidro mula July 27 hanggang 29, alas nueve ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Sa Ilocos Norte, July 28 at 29, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.sa Nangalisan sa Laoag City.
Sa Ilocos Sur, mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng umaga ngayong araw na ito, July 28 sa Barangay Baggoc sa bayan ng Caoayan.
Ikinasa na rin ng Globe ang libreng unli calls at texts sa lahat ng networks para sa lahat ng Globe prepaid at TM subscribers nito sa mga apektadong lugar sa Northern Luzon gayundin ng libreng 100MB para sa lahat ng apps at sites at dagdag pang 100MB para maka-connect sa facebook, Viber Whatsapp at Twitter.
Bibigyan din ang Globe at Home Prepaid WiFi users sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Egay ng libreng 5GB na data na uubrang magamit sa loob ng tatlong araw.
Pinalawig naman ng Globe ang due date ng Globe Postpaid at Globe at Home customers mula sa mga area na binayo ng bagyong Egay.
Samantala, magkakaloob ang KonsultaMD ng libreng teleconsultation sa pamamagitan ng app via code alagangglobe na epektibo ng isang gamitan sa loob ng isang buwan.
Kasabay nito, hinimok ng Globe ang publiko na suportahan ang relief operations nitoat mag donate ng globe reward points sa partner organizations sa pamamagitan ng Globeone app.
Para sa dagdag impormasyon sa disaster response operations I-follow ang Globeicon sa Facebook o bisitahin ang http://www.globe.com.ph para sa updated #staysafeph advisories.