Pinaalalahanan ng Globe ang lahat ng mga bagong sim users na kailangan pa ring dumaan sa registration process lalo na’t hindi pa rehistrado ang mga sim na ibinibenta sa sari-sari store at maging online.
Kasunod na rin ito ng mga operasyon ng mga otoridad kung saan libu-libong sim ang nakuha sa kamay ng mga kriminal.
Tiniyak ni Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe group ang mahigpit na pakikipagtulungan sa mga otoridad para paigtingin ang mga hakbangin laban sa mga sangkot sa cybercrime.
Siniguro rin ni Atty. Castelo ang 100% kooperasyon ng Globe sa mga otoridad para matukoy at mahuli ang mga kriminal na nasa likod ng nasabing iligal na aktibidad.
Kasabay nito, binalaan ni Atty. Castelo ang publiko laban sa mga alok na bibilhin ang registered sims o pagpaparehistro ng maraming sims sa isang pangalan lamang kapalit ng halaga dahil masasabit ang pumayag sa ganitong hakbangin kaya’t umiwas sa mga ganitong patibong.
Ipinabatid ng globe ang #stopspamportal, kung saan uubrang i-report ng subscribers nito ang spam at scam messages na kanilang matatanggap para maipaabot din sa gobyerno partikular sa gobyerno.
Ang Globe ang kaisa-isang telco na mahigpit na nakapag-block ng lahat ng person to person SMS na may link na una nang ginawa ng Globe nuong September 2022 at naging dahilan nang pag-abot ng mobile leader ng record high sa spam and scam SMS blocking na nasa 2.2 billion mula January hanggang June 2023.