Inihahanda na ng Globe ang mga tauhan at mga kagamitan nito sa Luzon areas na maaapektuhan ng super typhoon Goring.
Kaugnay nito, nakaalerto na rin ang technical at support crews ng Globe sa mga lugar na dadaanan ng bagyong goring habang naka kasa na ang mga supply at emergency equipment sa mga apektadong lugar.
Ipinabatid pa ng Globe na naipuwesto na rin ang generators at alternative power sources upang matiyak ang power supply at patuloy na delivery ng connectivity services sakaling mawalan ng supply ng kuryente.
Kasado na ang ide-deploy ng Globe na libreng tawag, libreng charging at libreng WiFi stations sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyong Goring.
Ayon kay Yoly Crisanto, Chief Sustainability and Corporate Communications Officer ng Globe group kaagad nilang ikinasa ang paghahanda para makaagapay sa inaasahang epekto ng bagyong goring sa service areas ng globe partikular ang mga maaapektuhan ng connectivity support.
Kasabay nito, hinimok ng Globe ang publiko na maghanda partikular ng pagkain, tubig at gamot gayundin ng first aid kits, emerghency lits sources at batteries at mag charge ng kanilang cellphone.
Para makakuha ng updated report sa bagyong Goring magbibigay ng libreng data access ang Globe sa website ng NDRRMC kasabay ang paalala sa publiko na tanging sa mga lehitimo at pinagkakatiwalaang news sources tulad ng DWIZ at ALIW 23 lamang kumuha ng weather information at warnings na ipinadala sa pamamagitan ng SMS alerts.
Para sa mas marami pang impormasyon kaugnay sa disaster response operations ng Globe i-follow ang Globe icon sa Facebook o bisitahin ang globe.com.ph para sa pinakahuling #staysafeph advisories.