Napasakamay ng Globe ang itinuturing nitong historic milestone sa kanilang commitment sa sustainability.
Ito ay matapos makakuha ang Globe ng ratings upgrade sa AA mula sa MSCI-ESG Reasearch at siyang pinakamataas na rating sa mga kumpanya sa telco industry sa Pilipinas.
Ang MSCI ESG Research ang nagkakasa ng MSCI ESG ratings hinggil sa global public at ilang pribadong kumpanya mula sa aaa (leader) hanggang CCC (Laggard) base na rin sa exposure sa industry specific ESG risks gayundin ang abilidad na pangasiwaan ang mga panganib na ito sa mga empleyado.
Ang nasabing evaluations ay ibinatay sa governance structures, policies, targets, quantitative performance metrics at anupamang relevant controversies.
Layon ng ESG research ng kumpanya na makapagbigay sa mga posibleng investors ng mga impormasyon hinggil sa esg risks at opportunities ng mga kumpanya sa buong mundo.
Ipinagmalaki ng globe na mula sa pag upgrade sa ratings nitong “BBB” Sa “A” nuong 2020 at ngayo’y “AA” malinaw na pagkilala ito sa Globe bilang ESG leader na patunay nang epektibong pangangasiwa sa mga exposure nito sa ESG risks.
Binigyang-diin ni Yoly Crisanto, Globe Group Chief Sustainability and Corporate Communications Officer na ang MSCI aa rating ay pagpapakita ng lumalakas na commitment ng globe sa sustainability practices at maituturing na makasaysayan para sa Pilipinas.
Sinabi ni Crisanto na natutuwa sila at ipinagmamalaki ng globe ang pagtatakda nito ng benchmark para sa esg practices sa industriya at sa buong bansa matapos nilang ikasa at I-apply ang sustainability principles sa kanilang pagne negosyo.
Ayon pa kay Crisanto, panalo sa ilang aspeto ang pahiwatig ng nasabing ratings ng Globe.
Kabilang dito sa environmental aspect, kung saan ipinakita ng Globe ang exemplary leadership nito sa climate action matapos una na ring ideklarang unang publicly listed company sa bansa na nag-commit na magkasa ng science based targets sa pamamagitan ng science Based Target Initiatives (SBTI) kung saan target ng Globe na makalahati ang greenhouse gas emissions sa 2030 at maabot ang net zero emissions sa 2050.
Sa social aspects, tiniyak ng Globe na hindi bibitiwan ang lumalakas na commitment nito sa privacy at data security kung saan regular silang nagsasagawa ng vulnerability assessments, patch management at security detection threat para matiyak ang proteksyon ng mga assets ng kumpanya.
Pangunahin dito ang alagang Globe program para sa malasakit ng kumpanya sa mga empleyado nito na sumasailalim sa data privacy and information security training.
Malaking bagay rin sa pagpapatibay ng governance sa globe ng pinakahuling ratings upgrade nito matapos i-welcome ang apat na bagong board director na kinabibilangan ng dalawang babae na mayruong vision na ipagpatuloy ang pag-aaral at pag-revisit sa diversity at female composition sa board.
Bahagi ng code of conduct ng Globe ang pagpasok sa daily operations nito ng mga prinsipyo ng human rights, labor, environment at anti-corruption.
Ang pinakahuling MSCI ESG rating ng Globe ay pagkilala sa dedikasyon nito sa ESG strategies and practices na isang malinaw na pagtatakda ng high standard sa mga kumpanya sa bansa.