Muli na namang pinatunayan ng Globe ang pagiging mobile leader matapos mapasakamay ang mga patunay ng mobile supremacy.
Ang commitment ng Globe sa mobile network realibility ay limang beses na kinilala ng Ookla, global leader sa internet testing and analysis kung saan nakakuha ang Globe ng pinakamataas na consistency score and availability sa all technology mobile networks.
Bukod dito, ang brand finance naman ay kinilala ang robust mobile and corporate data business performance ng Globe gayundin ang 5G network expansion at patuloy na paglago ng non-telco services nito na pawang pinagbubuhusan ng dedikasyon ng mobile leader para sa sutainability at pagbabawas ng greenhouse network operations.
Pasok din ang Globe sa dalawang sunod na taon sa Asia Pacific’s Climate leaders ng the financial times at statista, kung saan Globe lamang ang tanging Philippine telco na nakasama sa line up patunay lamang ng commitment nito sa climate action na suportado ng energy efficient technologies at green network operations.
Dahil sa pagtutuon ng pansin sa customer-centricity, sustainability at innovation apat na beses napasakamay ng Globe ang panalo sa consumer choice awards na isinagawa ng standard insights at kabilang dito ang best network realiability, best prices and offers, best branding and marketing at most sustainaibility driven network.
Nakuha rin ng mobile leader ang aa rating mula sa MSCI at ito ay kauna-unahan sa isang homegrown company at Philippine based company na mabigyan ng nasabing rating.
Samantala, ang core telco brand at affiliate ng Globe na Gcash ay ginawaran namang most endeared brands sa pinakahuling pahayag survey ng Publicus Asia.
Binigyang diin ni Ernest Uy, Globe Group President at CEO na ang mga award at pagkilalang ito ay patunay ng pinaigting at walang katulad na commitment sa kanilang customers kasabay ang pagsusulong ng innovation, sustainability at excellence habang mahigpit na nakatutok sa pagpapalakas ng connectivity at pagpapalawig sa digital solutions platform na titiyak sa walang patid na pagbibigay ng kakaibang experience sa Globe customers.
Dahil sa mga nasabing awards hindi lamang nangunguna ang Globe sa mobile industry ng Pilipinas kundi patuloy nitong pinatutunayan ang maigting na redefinition ng standards ng industriya.