Naghahanda na ang Globe sa posibleng hagupit ng bagyong mawar na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng gabi o sa Sabado ng umaga.
Bahagi ng paghahanda ng Globe ang pag alerto sa technical at support team nito para matiyak ang patuloy na operasyon ng telecommunications company at agarang matugunan ang anumang magiging concern ng kanilang subscribers dulot ng bagyong Mawar o bagyong Betty kapag tuluyang nakapasok na ng bansa.
Tiniyak ng Globe ang mga nakaumang na generators at iba pang fail safe back ups sakaling maputol ang supply ng kuryente.
Handa na rin ang Globe na ikasa ang mga serbisyo ng libreng tawag, libreng charging at libreng wiFi sa mga rehiyong posibleng bayuhin ng bagyo.
May alok ding libreng data access ang Globe para makakuha ng latest report mula sa NDRRMC website kasabay ang paghimok sa subscribers nila na mag check sa mga pinagkakatiwalaang news sources at makakuha ng flood warnings at iba pa sa pamamagitan ng SMS alerts.
Pinapayuhan ng Globe ang publiko na maghanda na rin ng sapat na supply ng pagkain at tubig, first aid kits, emergency power sources at batteries at tiyaking fully charged ang mga cell phone at maging alerto kontra bagyo para na rin sa kaligtasan ng lahat.
Bukas naman ang facebook page ng globe o i-follow ang Globe icon at bisitahin ang https://www.globe.com.ph para sa #staysafeph advisories.