Iniulat ng Globe ang pagsirit ng registration ng mga SIM sa ilalim ng network nito sa pagsapit ng deadline at umpisa ng grace period para sa reactivation.
Ito ay dahil sa maigting na kampanya ng Globe para sa SIM registration, suporta ng mga customer, government regulators at mga kabalikat sa pribadong sektor.
Noong July 25, ang huling araw ng SIM registration, pumalo sa 3.344 milyong SIM registration ang naitala ng telco.
Kinabukasan, July 26, nang nag-umpisa na ang deactivation ng mga unregistered SIM, may 452,997 customers ang humabol para mag-reactivate ng kanilang mobile services, habang 126,344 iba pa ang nagpatala na rin noong July 27.
Nitong Huwebes, July 27, umabot sa 52.302 milyong SIM registrations na ang naitala ng Globe, kabilang ang SIMs ng Globe Prepaid, Globe Postpaid, Globe Platinum, TM, Globe At Home Prepaid WiFi, at Globe Business.
Ayon sa telco, isang survey nito ang nagpakitang marami ang hindi agad nakapag-register ng kanilang mga SIM dahil sa abala ang mga ito sa ibang mga prayoridad. Kaya’t humabol na lamang ang mga ito pagdating ng deadline– dahilan para sumirit ang bilang ng SIM registration.
“We were surprised yet happy with the turnout over the seven-month period of SIM registration, as we have been able to cover nearly all our active users. We thank our customers for heeding our call for SIM registration via various communications channels- from print, radio, TV, and digital platforms– and our on-ground activations to reach the elderly, PWDs, pregnant women, basic and feature phone users, and those in remote areas,” ayon kay Ernest Cu, Globe Group President and CEO.
Matatandaang nagbukas ang Globe ng iba’t ibang SIM registration platform para mapadali ang proseso para sa mga customer nito, kabilang na ang online portal na https://new.globe.com.ph/simreg, ang GlobeOne app, GCash, at ang bulk registration portal para sa enterprise customers nito.
Nagsagawa naman ng SIM Registration Assistance Desks ang Globe sa 1,572 lugar sa buong kapuluan para maabot ang mga nasa malalayong lugar na kailangan ng tulong sa pagpapa-register. Bukas din ang Globe Stores at EasyHubs sa buong bansa para sa sinumang nangangailangan ng tulong para sa SIM registration.
“What pulled us through in this huge undertaking was the cooperation among Globe, our government partners and our customers. We hope that our SIM users will continue to comply with the SIM Registration Act and register new SIMs so that they can enjoy our mobile services. After all, this is for everyone’s protection against fraud and other forms of cybercrime,” dagdag ni Cu.
May hanggang July 30 na lang ang mga hindi pa registered ang SIMs para humabol sa grace period. Pagkatapos nito, permanente na ang deactivation ng mga unregistered SIM at mawawalan na ng access sa lahat ng connectivity services. Lahat naman ng bagong SIM ay kailangang i-register bago ma-access ang mobile at broadband services.