Sa layuning masugpo ang spam at scam messages, sinimulan nang i-block ng Globe ang lahat ng mga SMS o text messages mula sa prepaid at postpaid number na naglalaman ng URLs o website links.
Ginawa ng telco ang hakbang a gitna ng kumakalat na scam at spam messages, kabilang ang SMS mula sa unknown numbers na naglalaman ng kompletong pangalan ng customers.
“Before implementing this measure, what we were doing was blocking access to malicious links in text messages to help protect customers. This time around, we’re blocking the actual message. If the SMS has a link of any kind, we are not going to deliver it, period. This is necessary to protect our customers,” wika ni Globe Chief Information Security Officer Anton Bonifacio.
Pahayag ng Globe, ang nangungunang digital solutions platform, ang pag-block sa SMS ay isinasagawa habang hinihintay ang pagpapatupad ng SIM Registration Bill, na niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong September 28, at naisumite na sa Pangulong Bongbong Marcos para lagdaan.
Kumpiyansa ang Globe na ang hakbang ay mahalaga para mapalakas ang kapasidad ng pamahalaan na madakip ang cybercriminals at iba pang nang-aabuso sa digital technology.
Kapag nakalusot ang bill, bibigyang kapangyarihan din nito ang telcos na proteksiyunan ang kanilang protecting system at customers mula sa fraudulent activity.
“We are taking this measure for the security of our 92 million customers at Globe and 66 million more using GCash as we note how the modus operandi of fraudsters are becoming even more sophisticated. We hope this will make a major dent on various spam and scam SMS rackets,” ani Bonifacio.
“This major step reflects our commitment to the country’s economic recovery by ensuring that the accelerated digital adoption does not expose customers to worsening cyberthreats,” dagdag pa niya.
Patuloy namang pinalalakas ng telco ang pagsisikap nito kontra scam at spam messages, kung saan na-block na ng kompanya ang nasa 784 million scam at spam messages mula January hanggang katapusan ng July ngayong taon.
Napag-alaman na sa pamamagitan ng 24/7 Security Operations Center, dine-activate din ng Globe ang may 14,058 scam-linked mobile numbers at na-blacklist ang 8,973 iba sa loob ng kaparehong panahon.