Magbibigay ng libreng Wi-Fi connection ang Globe Telecom Incorporated sa World Trade Center sa Pasay.
Sa pahayag ng Globe, layon ng proyekto na makatulong sa mga frontliners tulad ng mga doktor, nurse at iba pang health care workers para magamit ng mga ito sa pagkalap ng impormasyon patungkol sa maayos na paglaban sa virus.
Please be advised. #SafeAtHome https://t.co/DS2SOPVqaL
— Globe Telecom (@enjoyGLOBE) April 14, 2020
Magugunitang isa ang World Trade Center sa mga itinalagang quarantine facility ng pamahalaan para sa mga suspected coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients.