Nagkaloob ng libreng wi-fi ang Globe Telecom Inc. sa mga lugar na lubhang nasalanta ng bagyong Tisoy.
Nagsimula ang libreng wi-fi ng December 3 at tatagal hanggang bukas, December 4.
Ayon kay Janis Racpan, Globe Director for wi-fi business group, layon nila na manatiling konektado ang Local Government Units at search and rescue personnel sa mga komunidad.
Ang libreng wi-fi ay puedeng magamit sa lahat ng Ayala malls sa Serin Cavite, Dasmarinias Cavite, Imus, Cavite , Laguna at Pampanga gayundin sa Robinson malls sa Laguna, Pampanga at Rizal.
Mayroon ring libreng wi-fi sa Kapitolyo ng Legaspi, sa mga LCC malls sa Albay, Legaspi Airport, Pepperland Hotel sa Legaspi, Albay Astrodome at iba pa.