Pansamantalang mawawalan ng signal ang Globe Telecom sa Visayas at Southern Luzon dahil sa bagyong Ursula.
Ayon sa anunsiyo ng Globe, hindi muna magagamit ang kanilang mobile at internet services dahil sa matinding pinsala sa mga sumusunod na lugar: Eastern at Western Samar; Leyte; Capiz; Aklan at Roxas.
Tiniyak naman ng Globe na patuloy ang kanilang ginagawang pagsisikap pa para mabilis na maibalik ang kanilang serbisyo sa naturang mga lugar.
Bukod dito ay nag alay naman ng panalangin ang kumpanya para sa mga biktima ng bagyo.