Itinanghal ng brand finance bilang strongest brand sa Pilipinas ang nangungunang digital solutions platform na Globe.
Sa kanilang 2023 annual report hinggil sa most valuable and strongest Filipino brands binigyang-diin ng brand finance ang anito’y impressive AAA brand strength rating ng Globe at ang brand value nitong 2. 028 billion dollars.
Ang mga nabanggit na achievements ay patunay ng exceptional performance ng Globe sa lahat ng mga serbisyo nito.
Naitala ng Globe ang pinagsama samang service revenues nito sa 157. 98 billion pesos nuong isang na sadyang patunay rin ng mabilis na mobile and corporate data business performance at sustained growth ng non telco services nito.
Tagumpay ding naikasa ng Globe ang 5G network connectivity sa 74 pang lungsod at bayan sa unang quarter ng taon kasabay ang pinalawig na global 5G roaming sa buong mundo na pagpapakita ng commitment ng Globe sa technological innovation.
Binigyang diin ni Globe Group President and CEO Ernest Cu na kilala na ang Globe sa innovative spirit nito at nangunguna sa market digital solutions kaya’t masaya sa pagkilala ng brand finance na nangunguna ring independent brand valuation and strategy consultancy na pruweba ng commitment nila para mapaganda ang buhay ng mga customers sa pamamagitan ng technology.
Ayon pa kay Cu determinado silang higit pang mabigyan ng the best service ang kanilang customers kahit saan pa man sa mundo bilang bahagi nang pinalawig na digital financial services na naglalayong palakasin ang financial inclusivity at unwavering dedication to sustainability kaya naman sa bawat bahagi ng kanilang operasyon ay hindi lamang nila iniisip na mag excel kundi makapagbigay ng positive at meaningful impact.
Puspusan ang ginagawa ng Globe na maisulong ang digital transformation sa Pilipinas sa gitna na rin nang pagpapalawig sa serbisyo nito maliban pa sa telco para tugunan ang pangangailangan ng mga pilipino sa pamamagitan ng innovative technology.
Sa kasalukuyan, ang nangungunang digital solutions platform sa bansa ay mayruong serbisyong sa mga area ng Fintech, Healthtech, Adtech, Edutech, Climate Tech, shared services, investments at entertainment.
Bukod sa usapin ng teknolohiya, committed din ang Globe sa sustainability matapos makilala bilang most sustainability-driven network operator sa Pilipinas mula sa standard insights at isa sa Asia Pacific climate leaders ng Financial Times at Statista sa magkasunod na dalawang taon na muling patunay ng aktibong papel ng Globe sa pagbawas sa greenhouse gas emissions sa pamamagitan ng energy efficient technologies at green network operations.
Sinusuportahan din ng Globe ang mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad at palagiang nagbibigay ng connectivity support at telehealth consultations sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
Ang mga hakbangin ito ang nagbigay sa Globe ng Sustainability Perceptions Value (SPV) na 194 million US dollars kung saan binibigyang-diin ang lumalakas na pagpapahalaga sa sustainability sa brand value kaya naman bilang bahagi ng analysis nito ina-assess ng brand finance kung gaano ka sustainable ang isang brand at tinututukan ang SPV sa kada brand.
Ang kakaibang valuation process ng brand finance ay nagsisimula sa malawak na pag-aaral nito ng consumer perceptions na mayruong mahigit 100,000 global respondents kabilang ang mahigit 25,000 mula sa Asia Pasific region kung nakabase ang brand strength sa awareness, consideration at reputation metrics.