Nagka-usap na sina dating Pangulo at kasalukuyang House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at ang pinatalsik na si dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Ito ang kinumpirma ni Pampanga Representative Aurelio ‘Dong’ Gonzales Jr.
Ayon kay Gonzales, siya ang naging tulay para sa pagkikita ng dalawa.
Aniya, mismong si Arroyo ang nagtungo sa tanggapan ni Alvarez.
Sinabi ni Gonzales na naging maayos naman at walang naging tensyon sa pag-uusap ng dalawa.
Mayor Inday Sara tahimik sa isyu ng kudeta
No comment…
Ito ang matipid na sagot ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio nang tanungin sa naging papel nito sa pagpapatalsik kay dating House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sa harap ito ng pagkumpirma ng ilang mambabatas na nakatanggap sila ng tawag mula sa alkalde nitong Linggo ng gabi sa pamamagitan umano ni Congressman Prospero Pichay.
Sinasabing hinihingi nito sa mga mambabatas ang suporta para kay dating Pangulo at Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo bilang House Speaker.
(Ulat ni Jill Resontoc)