Aminado si Gloria Diaz na mas magaling na ina ang kanyang anak na si Isabelle Daza – Semblat.
Ayon kay Gloria, kahanga – hanga si Isabelle dahil sa pagiging hands on nito sa kanyang baby.
Aniya, noon ay isang buwan lamang siya nagpa-breastfeed sa kanyang anak habang ang kanyang anak naman si Isabelle ay anim na buwan nang nagpapa-breastfeed at decided na pahabain pa ito.
Kinilala din ni Gloria ang effort ng asawa ni Isabelle dahil ito ang siyang nag- iimpluwensya sa kanyang anak na maging better mom.
Aniya, ang mag-asawa ang siyang mismong nagpapaligo sa kanyang apo at mahigpit din ang mga ito dahil ayaw nila sa ingay sa kanilang bahay.
—-