Humirit ng medical and wellness leave si dating pangulo at Incumbent House Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal – Arroyo kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang pumunta sa France at Singapore mula Hulyo a-27 hanggang Agosto a-11.
Bunsod nito ay hindi makakadalo ng pisikal sa pitong sesyon ng Kamara de Representantes si GMA, bagama’t plano nito na dumalo sa mga sesyon sa pamamagitan ng zoom.
Mababatid na hindi nakadalo si Arroyo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon, matapos na magpositibo sa RT-PCR test noong Hulyo a-22.
Samantala, binigyang-diin ni Arroyo na binigyan na siya ng sertipikasyon ng kanyang doktor na siya ay hindi na nakakahawa.