Nakauwi nang muli sa kanyang tahanan sa La Vista subdivision Quezon City si dating Pangulong Gloria Arroyo.
4 na araw ang ibinigay ng sandiganbayan kay Ginang Arroyo para sa pagsalubong ng bagong taon sa kanyang tahanan kasama ang kanyang pamilya.
Nagsimula ang New Year furlough ni Ginang Arroyo ng 8:00 ng umaga, December 30 at magtatapos, 5:00 ng hapon sa Enero 2.
Una nang nakauwi si Ginang Arroyo para naman sa selebrasyon ng Pasko.
By: Len Aguirre