Nanganganib masibak bilang House Deputy Speaker si dating Pangulo at ngayo’y pampanga 2nd District Representative Gloria Macapagal Arroyo dahil sa pagtutol nito na buhayin ang parusang kamatayan.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, seryoso siya sa bantang sipain sa puwesto ang mga house leader sa oras na tumutol sa panukalang pagbuhay sa death penalty.
Kilala si Ginang Arroyo bilang isa sa mga masugid na supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte pero kritiko sa death penalty bill lalo’t inabolish sa kanyang panahon ang Republic Act 9346 o capital punishment.
Aminado ang House Speaker na hindi magandang tingnan kung hindi nagkakaisa ang desisyon ng mga leader ng Kamara sa mga isinusulong na polisiya ng Duterte administration.
Gayunman, nilinaw ni Alvarez na kailangan pang pagbotohan ng mayorya bago tuluyang sibakin si Arroyo o sinumang House Leader na tutol sa panukalang batas.
By Drew Nacino