Inaprubahan na ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagbabalik ng Good Manners and Right Conduct (GMRC) bilang hiwalay na asignatura sa Kinder hanggang Grade 3.
Ilang substitute bill na nag consolidate sa panukala ni House Speaker Alan Peter Cayetano at apat (4) na iba pang mambabatas ang inaprubahan ng nasabing komite.
Nakasaad sa panukala na maisama ang GMRC subject sa curriculum ng Kinder hanggang Grade 3 sa kabila ng Edukasyon sa Pagpapakatao Curriculum ng K-12 Program ng Department of Education (DepEd).
Ang GMRC, na batayan sa pag uugali ng isang tao, ay una nang naging bahagi ng curriculum sa mga paaralan hanggang alisin ito dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa pagsusulong ng K-12; at sa halip ay isinama na lamang sa araling panlipunan at iba pang kaugnay na asignatura.
Natutuwa naman si Cayetano sa pagkaka apruba sa committee level ng kaniyang panukala dahil ang mga natututunan aniya sa basic education ay hindi lamang academic, spiritual, at emotional kundi ang pinaka basic na good morals and right conduct.