Nakahanda si senador at pederalismo ng dugong dakilang samahan presidential aspirant Christopher “Bong” Go na sumailalim sa voluntary drug testing.
Ayon kay Go, hindi siya nakikipag-unahan sa ibang kandidato dahil mas gusto nitong sumailalim sa kumpletong drug test na.
Aniya, mahalagang masiguro sa publiko na ligtas ang kanilang boto sa maihahalal at mananalong kandidato sa eleksyon 2022.
Matatandaang hinikayat ng isang grupo ang mga kandidato para sa 2022 national and local elections na sumailalim sa drug testing upang malaman kung gumagamit ng iligal na droga ang mga ito.—sa panulat ni Joana Luna