Aprubado na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibigay ng hazard pay para sa mga manggagawa ng pamahalaan na naka duty sa kabila ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Senador Bong Go, ilalabas ngayon ang administrative order na may lagda ng pangulo ngayong araw na ito.
Sa ilalim ng administrative order, ina atasan ang national government agencies kabilang ang state universities and colleges at GOCC’s na bigyan ng hazard pay na hanggang limandaang piso ang mga empleyadong nag duty sa panahon ng lockdown.
Sinabi ni Go na gagamitin ng national government agencies at state universities and colleges ang sarili nilang pondo samantalang mayroong sariling pondo para rito ang mga GOCC’s.
Maari anyang mas mababa sa limandaang piso ang ipagkalob sa mga empleyado ng government corporatins , LGU at local water districts kung sakaling kapusin sila ng pondo.