Ibinunyag ni Senador Christopher “Bong” Go ang gawain ng ibang ospital na napakamahal ng singil sa kanilang mga gamot.
Ayon kay Go, may mga nakarating sa kaniyang sumbong hinggil dito kaya naman hinihikayat niya ang iba pang mga biktima na magreklamo.
Kasabay nito, nanawagan ang senador sa Department of Health (DOH) na imbestigahan ang nasabing ulat.
Ani Go, mali na mapagsamantalahan ang sitwasyon ngayon kung saan ang mga mahihirap ay namamatay na lang dahil hindi makabili ng gamot.
Ang karapatan umano sa pagbili ng gamot upang mapangalagaan ang kalusugan ay pantay na karapatan na dapat na tinatamasa ng lahat –mahirap man o mayaman.