Iminungkahi ni Sen. Christopher ‘Bong’ Go na bigyang prayoridad ang mga OFW na maturukan ng partikular na bakuna kontra COVID-19
Paliwanag ni Go, may ilang bansa kasi na hindi pinapayagan ang pagpasok ng mga byahero kundi nabakunahan ang mga ito ng COVID-19 vaccine na otorisado sa kanilang bansa.
Papayagan aniya ang mga OFW na makapamili ng brand ng bakuna basta’t sila ay makakapag prisinta ng deployment order o kontrata mula sa kanilang dayuhang employer.
Maliban sa mga OFW kasama rin aniya na dapat bigyang prayoridad dito ay ang mga seafarers.