Kailangan ikunsidera ang pangangailangan ng mga Overseas Filipino Workers o OFW pagdating sa brand ng mga bakuna.
Ito ang apela ni Senator Christopher Bong Go kina Pangulong Duterte, Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. at iba pang miyembro ng national vaccination program.
Ayon kay Go, may ilang OFW ang nag-aalinlangan magpabakuna sa Pilipinas dahil ang ilan sa bansa na pinupuntahan nila ay tumatanggap lamang ng ilang partikular na brand ng COVID-19 vaccine.
Bukod dito, kailangan na rin bumalik ng ilang OFW sa kanilang bansang pinagtatrabahuhan upang hindi mawala ang trabahong naghihintay sa kanila.
Sinabi pa ng Senador na kailangan maglaan ang pamahalaan ng mga bakunang angkop sa countries destination ng mga OFW.
Dapat aniya alinsunod sa requirement na inilatag ng COVAX facility at ng sarili nating vaccine prioritization order.