Inihayag ni Senador Bong Go na hindi siyang kakumpitensya ni Senador Manny Pacquiao pagdating sa usapin ng pagiging standard bearer ng partido ng administrasyon na PDP-Laban.
Ayon kay Senador Go, ito’y sa kabila ng internal issue na bumabalot sa partido ay mananatili pa rin aniyang magkaibigan sila ng kapwa Senador.
Dagdag pa ni Go, na siya pa mismo ang nagsabi kay Pacquiao na hindi lalahok sa ginanap na pagtitipon ng partido kamakailan.
Giit pa ng Senador na napakahirap ang responsibilidad na nakaatang sa Pangulo kaya’t wala siyang interes dito.
Maliban na lamang aniya kung wala mahanap na kapareha ang Pangulo sakaling magdesisyon itong tumakbo sa pagkabise Presidente.—ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol19)