Isinusulong ng isang senador ang agarang pagpasa sa E-governance Act na isa sa mga prayoridad na batas sa huling taon ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Senador Bong Go, bahagi ito ng hangarin ng Pangulong Duterte na mapaigting at maging epektibo ang public service delivery ng gobyerno sa gitna ng pandemya.
Hindi aniya dapat pinahihirapan ang mga Pilipino sa pag-access sa serbisyo ng pamahalaan.
Batay sa Senate Bill No. 1738 o mas kilala bilang E-Governance Act of 2020, itinutulak ni Go ang makabago o modernong paghahatid ng serbisyo-publiko sa gitna ng nararanasang krisis pangkalusugan.