Nanawagan si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa Agriculture Department na bigyang prayoridad nito ang mga pagsasanay at ‘agri-preneurship’ sa bansa.
Ito’y para palakasin pa ang ekonomiya ng bansa na bumagsak dahil sa naging epekto ng nagpapatuloy na coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ani Senador Go, sa paraang ito, mabibigyan ng livelihood assistance o tulong ang mga magsasaka.
Mababatid na aabot sa higit 500,000 mga magsasaka ang nabigyan ng tulong ng DA.
Iginiit din ni Go, na nagpapatuloy ang pagpapautang ng ahensya na walang interests sa mga magsasaka.