Inihirit ni Senator Bong Go sa Malakanyang na maglaan ng ayuda sa mga maaapektuhan sa muling pagpapatupad ng Ehanced Community Quarantine o ECQ sa Metro Manila.
Ibinahagi ni Go na nahirapan ang pamahalaan sa pagdedesisyon na paiiralin muli ang ECQ dahil sa tumitinding banta ng delta variant ng COVID-19.
Dagdag ni Go na kailangan balansehin ang buhay, ekonomiya at kailangan bigyan ng bigat ang kalusugan at kaligtasan.
Aniya, maraming maaapektuhan ng naturang lockdown tulad ng mga magsasarang negosyo at pamilyang “isang kahig, isang tuka”.
Sinabi rin ni Go, na magtiwala lamang sa pamahalaan dahil gagawin nito ang lahat upang magkaroon ng spaat na pondo para may maipamahaging ayuda sa mga pinbakaapektado at sa mga nangangailangan.