Mariing pinabulaanan ni Senador Christopher “Bong” Go ang napaulat na kontrolado umano niya ang mga donasyon mula sa ilang pribadong grupo sa pamahalaan.
Ayon kay Go, walang katotohanan ito at wala aniya siyang kinalaman maging ang kaniyang tanggapan sa ipinamimigay ng pamahalaan.
Giit ni Go, nagsisilbi lamang silang tulay sa mga ahensya ng gobyerno at sa mga organisasyon nais magbigay ng tulong.
Kasaby nito, nilinaw ni Go na walang pondo ang mga Malasakit Center at nagsisilbi lamang itong referral center upang matulungan ang mga ahensya gaya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Una rito, lumabas sa social media ang ilang larawan ng mga medical donation equipment para sa ospital na nakapangalan sa kaniya at ipinamimigay umano sa mga Malasakit Center.