Binigyan na ng go signal ng Presidential Electoral Tribunal o PET ang pagsasagawa ng stripping activities sa lahat ng vote counting machines na saklaw ng election protest ni Dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ang stripping activity ay tumutukoy sa pag-aalis ng mga back-up card, modem at external batteries mula sa VCM at CCS o Consolidation and Canvass Units.
Sa isang resolusyon, iniutos ng Korte Suprema na umuupong PET na madaliin ang pagsasagawa ng stripping activities.
Inatasan din ng PET ang COMELEC na payagan ang mga partido at kinatawan ng PET na mag-obserba at magkumento sa pagsasagawa ng stripping activity.
By: Meann Tanbio