Go signal na lamang ng Pamahalaan ang hinihintay ng kumpaniyang Philex Petroleum para simulan ang kanilang gagawing Oil Exploration sa Reed Bank o mas kilala bilang Recto Bank
Ito’y makaraang bigyang linaw na ng Permanent Court of Arbitration sa the Hague, Netherlands ang Exclusive Economic Zone ng Pilipinas sa pinagtatalunang mga teritoryo sa South China o West Philippine Sea
Ayon kay Philex Petroleum Chairman Manuel V. Pangilinan, pinag-aaralan na rin nila ng maigi ang inilabas na kautusan ng International Arbitral Court Hinggil sa usapin
Una rito, iginiit ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat nang simulan ang Oil Exploration sa Recto Bank na sinasabing mas mayaman pa sa natural gas kumpara sa malampaya
Binigyang diin ni Carpio, kayang makapagsuplay ng natural gas ng Recto Bank sa buong Pilipinas at kayang tumagal ito ng mahigit Isang siglo
By: Jaymark Dagala