Muling pinasaringan ni incoming President Rodrigo Duterte si Senator elect Leila De Lima
Inamin ni Duterte na maraming tumawag sa kaniya ng Berdugo kabilang si De Lima dahil sa napapabalitang pagpatay nito sa mga kriminal
Sinabi ni Duterte na wala siyang dapat ikahiya sa taguring berdugo dahil mas nakakahiya aniya ang sitwasyon ngayon sa NBP na pinagmulan ng iligal na droga
Kinumpirma rin ni Duterte ang aniya’y sabwatan ng ilang police generals at big time drug syndicate
Ayon kay duterte dapat nang mag go ang mga ito at piliin kung anong go ang gusto go to hell ba o go to heaven
Pinaringgan din ni Duterte ang mga pari sa pahayag nitong hindi sa lahat ng panahon ay madadaan sa dasalan ang problema ng bansa
By: Judith Larino