Umaasa si Senate Committee on Health Chairman Christopher Bong Go na mapaplantsa na ng Philhealth at grupo ng mga pribadong ospital ang gusot sa kanilang pagitan.
Kaugnay ito ng naging banta ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) na hindi na magre-renew ng accreditation sa Philhealth dahil sa usapin ng mga hindi pa nababayarang claims.
Ayon kay Go, kanyang ipinatawag sa isang pribadong meeting ang mga kinatawan ng Philhealth at PHAPI para mag-usap at pagkasunduin.
Aniya, nagkaroon na ng kasunduan ang dalawang (2) panig na magkasamang magtatrabaho para maayos ang mga kinahaharap nilang mga usapin.
They have reached an agreement to work together to resolve their issues… napagkasunduan ng Philhealth at mga private hospitals ang mga unpaid claims nila at they will work closely with PHAPI to resolve the alleged fraudulent claims,” —Sen. Christopher Bong Go sa panayam ng DWIZ.