Nanawagan ng tulong si Albay Governor Al Francis Bichara sa pamahalaan makaraang mapuruhan ang probinsya ng bagyong Rolly.
Ayon kay Governor Bichara, kabilang sa mga naapektuhan ng bagyo ay ang nasa higit 100 mga kabahayan sa ilang Barangay sa Guinobatan makaraang maapektuhan ng lahar at mudflows mula sa bulkang Mayon.
Dagdag pa ni Bichara, kinakailangan pang mabigyan ng tulong ang ilang residente nitong mga nananatiling nasa mga evacuation centers sa probinsya.
Kung kaya’t binigyang diin ni Bichara, na nangangailang sila ng tulong sa national government, lalo na sa suplay ng pagkain.
Mababatid naman ani Bichara, na naantala ang kanilang rescue at relief operations sa tiwi sa Albay, matapos na hindi makaraan ang mga sasakyan nito dahil sa mga nakahambalang na nabuwal na puno at nagsibagsakan na poste ng kuryente.
Samantala sa ngayon, ay patuloy ang monitoring ng provincial government ng Albay higgil sa kabuuang bilang ng mga naapektuhan ng bagyo.