Plano ng mga gobernador sa bansa na bumili ng bakuna kontra COVID-19 para mas mapaigting ang vaccination drive sa mga lalawigan.
Ayon kay Union of Local Authorities of the Philippines o ULA President at Quirino Governor dakila Cua, natalakay na ng kanilang mga miyembro ang naturang hakbang kasama ang iba pang opisyal ng gobyerno.
Disyembre 18 aniya nang makaharap nila sa isang general assembly si Secretary Delfin Lorenza bilang kumakatawan sa IATF at dito nila napag usapan ang plano ng ilang probinsya na bumili ng bakuna upang mas matiyak ang mabilis na distribusyon nito sa buong bansa.
Sa ngayon umano ay hinihintay na lamg nila na maglabas ng guidelines ang national government na susundin sa pagbili ng bakuna.
Nilalaman ng guidelines na ito ang rekomendasyon ng gobyerno para detalye ng kinakailang bakuna, proseso ng pagbili at distribusyon nito.