Ikinukunsidera na ng New York State sa Amerika ang pagha-hire ng medical workers mula Pilipinas at iba pang bansa.
Ipapalit sa mga ito sa unvaccinated staff sa mga ospital at nursing homes na hindi tatalima sa requirement na dapat bakunado kontra COVID-19 ang lahat ng health workers.
Ayon kay Governor Kathy Hochul, layunin ng nasabing hakbang na maiwasan shortage ng mga staff sa mga ospital at iba pang health care facilities sa buong New York State.
Kabilang din sa plano ang palagda sa executive order, kung kailangan, upang magdeklara ng State of Emergency na layuning taasan workforce supply at payagan ang health care professionals na lisensyado sa ibang states o bansa, bagong graduate, retired at dating health care professionals na magtrabaho sa New York.
Plano rin ni Hochul na makipag-ugnayan sa federal government at iba pang state leaders upang mapabilis ang visa processing ng mga medical professionals mula Pilipinas at iba pang bansa. —sa panulat ni Drew Nacino