Dapat na magpatupad ng mga hakbang ang pamahalaan upang maibsan ang pagsisikip ng mga paliparan sa bansa at mapahusay pa ang serbisyo nito
Ito ang panawagan ni Senate Committee on Public Services Chairman Senator Grace Poe sa gobyerno sa harap ng inaasahan na ring pagdagsa ng mga kababayan natin sa airport lalo na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong holiday season.
Ayon sa senador, nagiging problema sa NAIA ang kawalan ng espasyo kaya naman panahon na para maglatag ng solusyon ukol sa mga reklamong nararanasan ng mga pasahero.
Kabilang naman sa mga solusyon na hahanapin ni Poe sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagpapatupad ng digitalization at automation gayundin ang pagbabawas sa mga red-tape sa prosesong pinagdaraanan ng mga pasahero.
Samantala, hinimok ni Poe ang Department of Transportation (DOTr) na makipagtulungan sa miaa upang aralin at sukatin ang buong duration sa mga prosesong gagawin ng isang pasahero tulad ng x-ray procedures, immigration lines, pag check-in, at pagsuri sa mga flight itineraries. – sa ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19).