Agad na magtitipon ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para talakayin ang rekomendasyon ng United Nations o UN ukol sa human rights situation sa Pilipinas.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, nagbigay ang UN Human Rights Council o UNHRC ng hanggang Setyembre para tumugon ang gobyerno ng Pilipinas sa inilabas nilang report.
Kabilang sa mga mungkahi ng UN ay alisin ang kondisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbisita ni UN Special Rapporteur Agnes Callamard para imbestigahan ang ukol sa Extra Judicial Killings o EJK na iniuugnay sa ‘war on drugs’ ng pamahalaan.
Tinutulan din ng international body ang panukalang pagbuhat ng death penalty sa Pilipinas.
Matatandaang nagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa Geneva, Switzerland para idepensa ang war on drugs ng pamahalaan at ipaalam ang tunay na kalagayan ng bansa sa pangunguna ni Senador Allan Peter Cayetano.
By Ralph Obina