Aminado ang gobyerno na mahirap mahuli ang itinuturing na lider ng Maute Terror group na si Isnilon Hapilon .
Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kahit kilala si Hapilon sa mukha, nagagawa pa ring makalusot sa mga awtoridad at humahalo sa mga sibilyan, bukod pa sa marami itong supporters na nagpoprotekta sa kanya.
Sa katunayan, ayon kay Lorenzana, noong nasa Basilan pa si Hapilon ay hindi ito mahuli-huli gayong maliit lamang ang Basilan kaya lalong nahirapan ang government forces nang lumipat ito sa Lanao del Sur.
Naniniwala si Lorenzana na hindi pa nakalalabas ng Marawi City si Hapilon at kahit sugatan ay nagtatago pa ito sa nabanggit na lugar.
By Meann Tanbio / with report from Aileen Taliping (Patrol 23)
Gobyerno aminadong mahirap mahuli si Isnilon Hapilon was last modified: June 2nd, 2017 by DWIZ 882