Aminado ang DFA o Department of Foreign Affairs na malaki ang magiging kontribusyon ng Tsina sa pagdalo nito sa APEC o Asia Pacific Economic Cooperation Summit sa Nobyembre ngayong taon.
Sinabi ni DFA Spokesperson Assistant Secretary Charles Jose, bagaman wala pang kumpirmasyon hanggang sa ngayon ang Tsina kung dadalo ito sa summit, umaasa pa rin si Jose na magiging maganda ang tugon nito gayundin ng iba pang mga bansa.
Nauna nang pinangambahan ng ilan kung dadalo ba o hindi ang Tsina kasunod ng mga hakbang ng Pilipinas kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.
Sa kabila nito ay sinabi ni Jose, ang Tsina ang may pinakamalaking ekonomiya sa rehiyon kaya’t makikinabang ang mga dadalo rito.
Inaasahang dadaluhan ng 21 pinuno ang APEC Summit.
By Avee Devierte