Inamin ng chief economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala pang pondo ang gobyerno para sa panukalang bayanihan to Build As One o Bayanihan 3 Bill.
Sa pagharap ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Senate Committee of the Whole Hearing kaugnay sa national vaccination program, sinabi nitong dapat ay pasok sa kapasidad ng pamahalaan ang karagdagang spending upang hindi lumobo ang budget deficit.
Ayon kay Dominguez, bukod sa pandemya, nakatutok ang administrasyon sa tumataas na antas ng kagutuman at kahirapan na kailangang solusyonan sa lalong madaling panahon.
Ito ang naging tugon ng kalihim sa tanong ni senadorfrancis pangilinan kung suportado ng economic team ang Bayanihan 3 billna walang pa ring sertipikasyon ng availability of funds mula sa bureau of treasury.
Isa anya sa problemang kinakaharap kaya’t nakatengga pa rin ang bill ay mahinang koleksyon ng gobyerno dahil sa recession dulot ng COVID-19 pandemic.
Nilinaw ni Dominguez na dapat munang makahanap ng pagkukunan ng pondo bago aprubahan ang P170 billion para sa Bayanihan 3. —sa panulat ni Drew Nacino