Kapwa hindi bumibitiw ang gobyerno at ang Moro Islamic Liberation Front o MILF sa pag-asang maipapasa pa rin ang panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Sa inilabas na joint open letter ng dalawang kampo, sinasabing panghahawakan nila ang pangako ni Senador Bongbong Marcos na gagawin ng senado ang lahat ngmagagawa nito maipasa lamang ang BBL sa mga nalalabing araw ng sesyon sa kongreso.
Mahalaga anilang maipasa ang BBL upang matigil nang ganap ang mga bakbakan sa mindanao at magkaroon ng kapanatagan sa isipan ng mga mamamayan na biktima ng karahasan.
Kinunsensya pa nila Prof. Miriam Coronel Ferrer at Mohaguer Iqbal ang mga mambabatas sa pagsasabing buksan ang kanilang puso at bigyan ng pagkakataon ang mga bangsamoro na matamasa ang kapayapaan, makasabay sa reporma at pag-unlad na inaasam sa Mindanao.
By: Jaymark Dagala