Hindi na makakabalik sa negotiating table ang gobyerno at National Democratic Front o NDF.
Ito ay sakaling ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag na isama sa listahan ng mga terorista ang New People’s Army o NPA, ang armed wing ng NDF.
Ayon kay Labor Secretary at Government Peace Panel Chairman Silvestre Bello III, kapag tuluyan nang ideneklara bilang teroristang grupo ang NPA ay nangangahulugan itong opisyal nang magwawakas ang usapang pangkapayaan dahil hindi nakikipag-negosasyon ang pamahalaan sa mga terorista.
Dagdag ni Bello, nagsumite na rin sila ng position paper at rekomendasyon kay Pangulong Duterte kaugnay ng usapin at hinihintay na lamang ang ipalalabas na kautusan nito.
Naniniwala rin si Bello na may moral at ligal na batayan si Pangulong Duterte kaya inanunsyo nito ang pagkonsidera na ituring na terorista ang NPA.
—-