Bigo ang pamahalaan na maabot ang target na taas ng paglago ng ekonomiya nitong 2019.
Ayon sa Phil Statistics Authority (PSA) , lumago ng 5.9% ang ekonomiya ng bansa nuong 2019 samantalang ang target ng pamahalaan ay nasa pagitan ng six hanggang 6.5 percent.
Ito na umano ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya sa nagdaang 8 taon.
Hindi nakatulong ang 6.4 percent growth rate para sa buwan ng Disyembre.