Binalaan ng isang kongresista ang gobyerno laban sa umano’y monopolyo na maaaring magresulta sa pagbili ng mas mahal na pneumonia vaccines para sa mga bata.
Hinimok ni probinsiyano ako Party-List Rep. Jose Singson, Chairman ng House Committee on Public Accounts ang Department of Health (DOH) na pag-aralan at kilatising maigi ang eficacy ng Pneumococcal Conjugate vaccine o PCV10 at PCV13.
Si Singson ang pangunahing signatory ng House Resolution 2492 na nananawagan sa DOH na silipin na ang issue habang ikinakasa na rin ang hearing sa kamara.
Iginiit ni Singson na kung mayroong monopolyo sa pneumonia vaccine na nanlilinlang