Dapat magtalaga ang gobyerno ng mga bagong opisyal ng Sugar Regulatory Administration (SRA) upang tugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng asukal sa bansa.
Ito ang iminungkahi ni United Sugar Producers Federation (UNIFED) Manuel Lamata upang lumikha ang mga ito ng sugar code order na makapag-import ng karagdagang 250,000 metric tons ng asukal na agad na maipapasok sa bansa at exclusive lamang para sa taumbayan, merkado at palengke.
Aniya, dapat ding magsagawa ang mga government official ng sugar inventory sa lahat ng bodega sa bansa para malaman kung ilan pa ang stock ng mga ito.
Una nang sinabi ni Lamata na sapat pa ang suplay ng asukal sa kabila ng pagtaas ng presyo nito.